“Love doesn’t just sit there, like a stone, it has to be made, like bread; remade all the time, made new.””— Ursula K. Le Guin
(via purplebuddhaquotes)
(via thegirlwhocrieswolf)
“Love doesn’t just sit there, like a stone, it has to be made, like bread; remade all the time, made new.””— Ursula K. Le Guin
(via purplebuddhaquotes)
(via thegirlwhocrieswolf)
Ang hirap maging matatag. Yung tipong pakiramdam mo inaasahan ka ng lahat. Na kapag bumigay ka, bibigay din sila. Ang hirap. Kasi kahit na minsan gusto ko ng sumuko at sabihin na ayaw ko na hindi ko pa rin magawa. Kasi kahit hanggang sa huli kapakanan pa rin nila yung naiisip ko.
Lagi akong nandiyan para sa kanila. Pero walang tao na laging andiyan para sa akin. Yung makikinig lang at hindi ka huhusgahan. Yung maniniwala na totoong masakit yung nararamdaman mo hindi yung paghihinalaan ka pa na nagda-drama lang. 😔
The Sun Is Set. And it’s beautiful! 🌅😍
“Life can only be understood backwards, but it must be lived forward.”— Soren Kierkegaard
“If we could look into each other’s hearts and understand the unique challenges each of us faces, I think we would treat each other more gently, with more love, patience, tolerance, and care.”— Marvin J. Ashton
“—what is it that escapes me? why don’t I stretch out my hand and grab? It’s because I’ve only dreamed the world but have never seen it.”— Clarice Lispector, from The Stream of Life
(via thegirlwhocrieswolf)
Losing yourself is like slow-suicide. Halos ka-lebel lang yan ng araw-araw na pagkain ng Medium French fries na may 340 calorie-content and 16 grams total fat. Ang pinagkaiba nga lang, kapag kumakain ka ng fries, masaya ka kahit alam mong dahan-dahan kang pinapatay. Masaya ka dahil alam mong matetepok kang busog at kapag dinala ka sa huling hantungan, parang love letter mong binabasa yung lapida mo na may nakasulat na, “Cause of death: French Fries”
When we lose ourselves, we lose everything. Hindi lang bahagi ng pagkatao mo ang nawala, kundi buong pagkatao mo mismo. Package deal talaga yan huy.
We lose ourselves kapag hindi natin sinusunod yung passion natin. Kung anong gusto mong gawin sa buhay at yung mga bagay na nakakapagpasaya sa’yo. Kapag unit-unti mong kinakalimutan ang pangarap mo para sa ibang bagay dahil sa tingin mo yun ang mas mahalaga.
We lose ourselves kapag hinahayaan mong kontrolin ka ng iba. Kapag hinahayaan mo lang yung ibang tao na magdesisyon para sa sarili mo. Kapag oo ka na lang ng oo. Kapag wala ka na lang ginawa kundi sumunod at magpadala sa agos.
We lose ourselves kapag palagi na lang natin ikinukumpara ang sarili natin sa iba. Yung meron sila na wala ka, yung layo ng narating nila sa narating mo. Puro ka “Kyaa. How to be you po?” sa halip na ‘How to be the best version of myself?” Hanggang sa tuluyan kang lamunin ng sarili mong insecurities.
We lose ourselves when we allow others to disrespect and humiliate us pero wala kang ginagawa para ipagtanggol ang sarili mo. Masyado mong kinarir yung “Balakayojan” kaya pati yung sarili mo nacocompromise.
We lose ourselves kapag mas mahalaga para sa’yo ang social validation. Pinipilit mong baguhin ang sarili mo hindi para mismo sa sarili mo kundi dahil mas importante sa’yo ang sasabihin ng ibang tao at ang pamantayan ng lipunang kinabibilangan mo. Hanggang sa pati yung sarili mo niloloko mo na.
And we lose ourselves because we are more afraid of losing people around us. Yung ang kailangan lang naman niya ay “sakto lang” pero “sobra” ang ibinigay mo. Ikaw lang naman ang gusto pero pati mundo mo ibinigay mo. Pagmamahal lang naman yung gusto niya pero pati sarili mo ibinigay mo. Kaya nung nawala siya, ubos na ubos ka. Walang kahit anong natira.
—
When we feel like we are slowly losing ourselves, madali lang sabihin na, “Besh, hanapin ko lang sarili ko.”,sabay hanap ng seat-sale sa CebuPac. (Kailangan magtravel para dramatic ang pagsosoul-searching.) Akshwally, nakakastress gawin yan dahil baka bigla mo na lang makasalubong ang sarili mo tapos mapasigaw ka kasi ampanget mo pala pag walang contour. Or worst, baka sumabog ang ihi mo sa takot dahil doppelganger mo lang pala yun. Minsan nga may pa-“When I lost myself, I find myself in you.” pang nalalaman. Huy, hindi romantic yan! Sa halip na mahanap mo ang totoong sarili mo, lovelife tuloy ang nahanap mo nang hindi mo man lang naayos ang mga natitirang issues sa sarili mo. Hanggang sa bumalik ka na naman sa simula. Ang totoo kasi, hindi mo matatagpuan ang sarili mo sa panibagong lugar o sa panibagong taong darating sa buhay mo, nasa sarili mo pa rin yan mismo at matindi-tinding self-assessment lang ang kailangan mo mula dulo ng hair strands mo hanggang sa kasulok-sulukan ng pagkatao mo. It’s about facing the inner issues that make you believe that you are less than you are.
Dahil sa sarili natin nagsisimula ang lahat.
Bago ka magmahal, kailangan mahal mo muna ng buo ang sarili mo. Bago ka magbigay, kailangang meron ka munang ibibigay dahil doon ka kukuha ng ibibigay mo. Bago ka makatanggap ng respeto mula sa ibang tao dapat alam mo muna kung paano mo irespeto ang sarili mo. Bago mo matagpuan yung totoong kaligayahang hinahanap mo, alamin mo muna kung ano ba talaga ang totoong “purpose” mo hindi lang kung ano ang “passion” mo (kung magpapastor ka ba o magiging social media influncer, ganyan.) At bago makita ng ibang tao ang ‘worth’ mo, dapat alam mo muna yun mismo sa sarili mo. Para sa huli, you will never compromise yourself again. At para hindi mo na kailangang iimpose ang lahat ng yan sa kahit sino dahil kusa yang dadagundong sa paligid mo.
Malaya tayong magmahal ng kahit sino, ng kahit ilan. Malaya kang magmahal ng sobra at higit pa. Basta’t wag mo lang hahayaang mawala ang pagmamahal mo sa sarili mo so you will never lose yourself again. Dahil kahit iwanan ka man ng ilang-libong mga pakingshet dito sa mundo ng ilang libong pakingshet na beses, meron ka pa ring sarili mo na paulit-ulit mong babalikan.
‘Coz In the end, it’s always self-love.
Sa ngayon, simulan mo munang maligo. The rest, to follow.
(via israelmekaniko)